Friday, August 23, 2013

PDAF


Bilang isang student leader noong ako ay nasa kolehiyo, namulat ako sa mas makamundong pananaw sa pulitika, paghawak ng pera, pagpapasunod ng mga tao, pagiisip sa ikabubuti ng nakararami, at pakikinig sa nais ipabatid ng kinasasakupan ko. 

Sa aking pananaw, magandang simula ang pag-abolish ng PDAF. Ang pamahalaan ay bubuo ng bagong sistema kung papaano mapapakinabangan ng sambayanan ang pera ng bansa. Gaya ng sabi ni PNOY, mas magiging mahigpit sila sa paglalabas ng pondo at magiging bukas sa taong bayan ang mga paroroonan ng nasabing kaban. Tight and Transparency, ika nga. 

Maraming nagsasabi wala naman daw pinagkaiba ang pag-abolish ng PDAF sa bagong mungkahi ng pangulo paukol sa pera ng bansa. May mga nagmumungkahi na tanggaling na talaga ng pondo ng gobyerno sa pulitiko. Meron namang nagsasabi na ibagsak direkta ang pera sa ospital o sa paaralan.

Pero naisip ko, kung mawawalan ng pondo ang mga pulitiko, paano na ang kanilang proyekto? Marahil, ang hindi nararapat ay ang mga pulitikong ganid. Pero sino ba ang nagluklok sa mga ito? di ba ay tayo ding mga tao? Sino ang mali? 


Huwag nating husgahan ang bawat hakbang para sa kinabukasan. Kung hindi tayo bukas sa pagbabago, walang mangyayari sa kahit anong reklamo. Hindi "overnight" ang pagbabago dahil lahat may proseso.